NAGA CITY – Muli na namang isasailalim sa pag repair ang ilang bahagi ng Jess M. Robredo Coliseum tulad ng sa sahig nito ,sa ceiling o sa bahagi ng bubong nito bilang paghahanda sa mangyayaring taunang Peñafrancia Fiesta Celebration na kung saan doon ginaganap ang ilang mga major activities kabilang na ang Miss Bicolandia Beauty Pageant competition, Majorette, Drum and Lyre Competition at iba pa.
Inihayag ito sa Brigada News FM Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro, kaugnay sa ginagawa na ring paghahanda ng lokal na pamahalaan sa mga aktibidad at programa para sa fiesta ngayong darating na Setyembre na siya na ngayong pinagkakaabalahan nila.
Sinabi niya bukod sa pag repair, may problema pa rin sa mga kagamitan ang JMR Coliseum,tulad ng sa ceiling fan na kailangan na dagdagan na rin, ang mga upuan at iba pang mga facilities na ngayon ay paisa-isa na rin nilang binibigyan ng solusyon.