Martsa kaugnay ng SONA nahadlangan ng ulan; kilos protesta natuloy pa rin sa Naga

NAGA CITY- Nahadlangan ng ulan ang pagmartsa ng mga progresisbong grupo mula sa Camarines Sur kaugnay ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Magmamartsa sana ang progresibong grupo tulad ng BAYAN, Gabriela, AMIHAN at iba pa patungo sa Plaza Oragon pero may makapal at maitim ang ulap/ hanggang sa nasundan na ng panaka-nakang pag-ulan, nagpasya ang mga grupo na hindi na ituloy ang pagmartsa sa halip ay dumirestso sa kilos protesta. Tema  ang “Sa Bagong Pilipinas, Pilipino lalong naghirap.”

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kahit na malakas ang busina ng mga sasakyan nakahanap ng tiyempo ang mga grupo nang hindi na rin gaano malakas ang ulan  naisigaw ang hiling na dagdag sahod, pagbaba ng presyo ng mga bilihin, itigil ang land use conversion, pagkontra sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), gayundin ang pag udyok sa pamahalaan na huwag papaapi sa China, ayon kay Nelsie Rodriguez ng BAYAN Bicol, mababaw pa ang mga aksyon ng administrasyon  sa pagtatanggol sa West Philippine Sea.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Minabuti nila na hindi isabay sa oras ng SONA ang protesta upang mapakinggan din ang Pangulo.