Rep. ng Pilipinas sa Winter Youth Olympics na si Laetaz Rabe, opisyal nang tinanggal sa lineup

Opisyal nang inalis ang Filipino freestyle skier na si Laetaz Amihan Rabe sa Winter Youth Olympic Games.

Ito’y matapos idineklara ng mga doktor sa Wonju Severance Christian Hospital na “unfit to continue” ang 14-anyos na si Rabe dahil sa injury sa kaliwang tuhod na natamo niya mula sa hindi magandang pag-landing matapos ang isang practice jump bago ang kanyang slopestyle competition.

Read More:  Young fencers to compete in Developmental Tournament in Mandaluyong on October 25
Read More:  Farm Fresh pulls off reverse sweep against Choco Mucho in PVL

Ayon sa kanyang ama, kinakailangang magpahinga ni Rabe ng mahigit apat hanggang anim na buwan dahil sa kanyang injury.

Sa ngayon, kinumpirma nitong nasa mabuting kalagayan na ang Pinay skier at na-discharge na sa opistal.