Rep. Lagman, inihain ang panukalang ideklara kada taon bilang regular non-working holiday ang EDSA Revolution

Naghain ng panukala ang isang mambabatas na nagdedeklara sa February 25 kada taon bilang isang regular non-working holiday bilang pag-alala sa  EDSA People Power Revolution.

Inihain ni Congressman Edcel Lagman ang panukalang batas matapos i-exclude ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang Proclamation 368, ang February 25 sa listahan ng mga holiday at special non-working days sa taong 2024.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Hinimok din ni Lagman si Pangulong Marcos at ang kanyang mga kaalyado na suportahan ang pagsasabatas ng kanyang panukala.

Maaalalang sinabi ng Office of the President na – nire-respeto pa rin daw nila ang paggunita sa naturang kaganapan.

‘Yun nga lang – pumatak daw ang February 25 sa araw ng Linggo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa kabila ng kanilang paliwanag, makikita pa rin sa proclamation na idineklarang special non-working holiday ang Feast of the Immaculate Conception of Mary sa Decemer 8 na pumatak din sa araw ng Linggo.

Kung maaalala – noong 2018, pumatak din ng araw ng Linggo ang EDSA anniversary, pero idineklara pa rin itong special non-working holiday sa ilalim ng Duterte administration.