Rep. Castro, ibinalik kay Rep. Duterte ang pagtawag sa kaniyang ‘balat-sibuyas’

Pumalag si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa naging pahayag ni Davao City Representative Paolo Duterte ukol sa mga ‘balat-sibuyas’ na public servants na kritiko umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam kay Castro sa Kamara, sinabi nitong lahat na ng masasakit na salita, paninira at harassment ay natanggap ng Makabayan Bloc noong nagdaang administrasyon ngunit hindi nila dinamdam.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Kung tutuusin aniya ay si Congressman Duterte pa ang balat-sibuyas dahil sa mga binibitawan nitong pahayag sa tuwing nagkakaroon ng isyu sa kanilang pamilya.

Giit ni Castro, noong nagbiro ang isang teacher ng death threat laban kay dating Pangulong Duterte kahit na wala itong kapasidad ay agad pa itong hinabol at kinasuhan ng National Bureau of Investigation bagama’t na-dismiss naman.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Taliwas ito sa statement ng dating presidential son na hindi umano pumatol ang kanyang ama sa mga kritisismo at hindi naghain ng reklamo.

Samantala, hinamon naman ni Castro ang kapwa mambabatas na isiwalat ang sinasabi nitong alam niya patungkol sa mga party-list representative.

Hindi umano sila natatakot lalo’t hindi naman sila nagkakausap at hindi nagtutungo sa Kamara si Congressman Duterte kaya marahil ay isa na naman itong insidente ng “red-tagging”.