Bineberipika pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang planong trilateral naval drill na isasagawa ng Japan, US, at Australia sa South China Sea.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., nabasa niya lamang ito sa isang online news site sa Japan at inaalam pa niya sa ating counterparts ang detalye patungkol dito.

Hindi rin daw totoo na tumanggi ang bansa na makilahok sa nasabing naval drill.
Ayon sa ulat, i ipapadala ng Japan Maritime Self-Defense Force SA naval drill ang barkong ‘Izumo’ na kanilang binansagang ‘largest destroyer’; habang ang Royal Australian Navy ay gagamitin ang barkong Canberra at ang US Navy naman ay magde-deploy ng kanilang amphibious assault ships na tinatawag na America.