Nagtalaga si Pangulong Bongbong Marcos ng tatlong mga bagong opisyales na mamumuno sa Sugar Regulatory Adminstration.
Ito pa rin ay sa gitna ng kontrobersyal na naunsyaming sugar importation at ang mga na-raid na warehouse na pinaniniwalaang nagho-hoard ng mga suplay ng asukal.
Kinumpirma ni Executive Secretary Vic Rodriguez ang appointment ni David John Thaddeus Alba bilang acting administrator ng SRA.
Si Alba ang siyang hahalili sa binakanteng puwesto ni Hermenegildo Serafica na nagbitiw sa puwesto.
Samantala, tiinalaga rin si Pablo Luis Azcona na siya namang magre-representa sa mga sugar planters; habang si Ma. Mitzi Mangwag naman ang magre-representa para sa mga sugar millers.
Si Azcona ang tagapangulo ng grupong KABILOG, samahan ng mga magaasukal; habang si Mangwag naman ay bahagi ng Cagayan Robina Sugar Milling Company.
#