29, sugatan sa stampede ng pamamahagi ng educational aid sa Zamboanga City

Zamboanga City – Dahil sa kagustuhang makakuha ng Educational Assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Office o DSDWD-9 , dinagsa ng mga nais makatanggap ng Educational Assistance ang Zamboanga City Colisuem sa Zamboanga City High School Main , dahilan din ng pagkasugat ng 29 katao sa nangyaring stampede kaninang umaga.

Kaagada naman isinugod sa Zamboanga City Medical Centr ang mga nasugatang biktima kabilang na rito ang mga nahimatay na mga estudyante at ilan rin dito ay mga magulang na nagbabakasaling makatanggap ng nasabing ayuda.

Sa kabuuang bilang na mga nasugatan na inilabas ng nasabing Hospital 2 rito ang lalaki at 27 naman ang mga babae na nasugatan matapos madaganan ng nag uunahang maka pasok sa gate sa City Coliseum , kagabi pa lamang marami ng dumagsa at nag abang hanggang kaninang madaling araw upang makapasok at naghahangad na makatanggap ng nasabing ayuda.

Dahil dito dismayado ang mga magulang sa Department of Social Welfare and Development Office dahil sa wala umanong systema sa kanilang pamimigay ng ayuda at sinusubukan rin ng Brigada News Team kunan ng pahayag ang opisyal ng DSW-9 ngunit nanatiling tikom ang kanilang bibig.

Sa press breifing namang ngayong hapon, tiniyak ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na tutulungan ang mga nasugatan sa insidente.

Siniguro rin nitong mayroong mga medical teams na naka-standby sa kanilang mga regional offices.(WITH REPORTS FROM BNFM ZAMBOANGA | KATHRINA ANIÑON | LGD)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *