CAMARINES NORTE- Ibinida ng Primewater ang positibong epekto ng relokasyon ng linya ng tubig sa Daet Bridge No. 1 sa Brgy. 6, Daet, Camarines Norte.
Ayon sa kumpanya nagresulta ang proyekto sa pagpapalakas ng pressure at pagpapaganda ng availability ng tubig sa Daet North at Mercedes.
Naisakatuparan umano ang hakbanging ito sa pamamagitan ng joint venture agreement ng Primewater at Camarines Norte Water District (CNWD).
Hangad naman daw talaga ng JVA na mapabuti ang sistemang patubig sa komunidad.
Matatandaan na natapos kamakailan ang naturang proyekto kung saan nagkaroon pa ng seremonya.
Dinaluhan ito ng mga taga Primewater Camarines Norte sa pangunguna ni Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda ll, mga kawani ng CNWD at ilang lokal na opisyal.
Kung maalala ay matagal ding panahong problemado sa serbisyong patubig ang naturang lugar.
May mga naka linya pang proyekto ang Prmiwater para ma- improve ang serbisyong patubig na bahagi rin ng developmental aspect sa pagtataas ng taripa.
PHOTO: PRIMEWATER/CNWD
