CAMARINES NORTE- Inihayag ng Civil Service Commission na dalawang beses lang gagawin sa susunod na taon ang Career Service Examination- Pen and Paper Test (CSE- PPT).
Ito ang sinabi ni Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.
Paliwanag ni Salinas na kaya tatlong beses na ginawa ang CSE- PPT ngayong 2022 ay dahil limitado lang ang bilang ng examinees bunsod ng ipinatutupad na COVID- 19 restrictions.
Ginawa ang naturang exam noong Marso, Hunyo at ang pinakahuli ay ang Agosto.
Sa susunod na taon ay gagawin ang CSE- PPT sa March 26, at sa Agosto.
Sa naturang schedule ay 1, 848 ang tatangaping application kung saan 1, 699 sa Professional at 149 Sub- Professional.
Balik na rin umano sa dati ang bilang ng examinees sa bawat classroom na 25.
Aniya hindi lang ang dami ng mga gustong mag- exam ang dapat ikunsidera kundi ang avialbility ng mga room.
Mayroong Memorandum of Agreement ang CSC sa Camarines Norte State College kung saan nakalaan ang 75 rooms para sa exam.
“May mga concerns na ganyan if ever dae kami makakumpleto ki 75 or so na room sa CNSC maghahanap kami sa private and that would entail additional expenses kasi may renta po yan and considering halos na dae man po nagdagdaggan ang application fee for examination,” ani Salinas.
“Pero kung halimbawa ano, may additional expenses kami kayan para lang maka- accommodate ki more examinees pero hanggang diyan na lang po talaga.”
Wala na rin umanong agency request sa 2023 at bukas na ito sa publiko.
Nagkaroon lang aniya ng agency request nitong taon dahil sa pandemya kung saan mayroong limitasyon sa galawa ng mga tao.
