CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Civil Service Commission na tatanggap na ito ng karagdagang examinees para sa March 26, 2023 Career Service Examination- Pen and Paper test (CSE- PPT), Professional at Sub- Professional.
Taliwas ito sa naunang anunsiyo na tanging ang mga registered examinee lang sa nakanselang March 2020 CSE- PPT ang tatanggapin.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas sinabi nito na nagbago ang desisyon ng komisyon dahil sa panawagan ng marami na mabigyan ng pagkakataon ang iba na kumuha ng nabanggit na examinations.
Gayunman, prioridad pa rin umano sa bibigyan ng slot ang mga examinee nang nakanselang March 2020 examinations.
Ayon kay Salinas nasa 1, 848 examinees ang kanilang tatanggapin sa March 26, 2023 CSE- PPT kung saan 1, 699 sa Professional at 149 Sub- Professional.
Kasama na umano sa bilang ang karagdagang 273 examinees o 19. 11 percent mula sa general public.
“Nung March 15, 2020 igwa kita ki 1, 426 na Professional and 125 na Sub- Professional registered examinees, so gabos po sinda tatawan nin chance ikukunsider for the March 26, 2023 examination so weather unrefunded or refunded, kasi kung naalala niyo po lasy year nag refund na kami and meron na pong mga nakapag refund doon, so pero weather nakapag- refund sila or dae pa sinda nakapag -refund tatawan sila ng chance na mag apply for the March 2023 exam,” ani Salinas.
“So for those na nakapag- refund na mabayad na sinda, bago na registration fees, su mga dae pa naman nakapag refund bale gagamiton ninda su binayad ninda noong March 2020.”
Ang mga kukuha ng examinations sa March 26, 2023 ay kailangang mag- register online pero sa Nobyembre pa umano ipapalabas ng CSC ang registration procedure.
Paalala naman ng CSC sa mga registered examinee ng nakanselang March 2020 exam na siyang prioridad sa March 2023 na kailangan pa ring dumaan sa proseso.
Bagamat mayroon umanong tiyak na slot ay kailangan pa ring mag register.
“If ever merong mga registered exams for the March 2020 na na-cancel na mag register sila for the 2023 exam, kapag nagpa- schedule sila pero nag no show sila mapo- forfeit su saindang slot and even yung bayad ninda kung hindi pa sila nakapag refund or kung nakapag register man sinda pero hindi sila dumating at the time of the examination forfeited din yung kanilang registration fee.”
