Pahirapan ngayon ang relief operation sa mga isolated evacuation area dulot ng matinding pagbaha sa bayan ng Brooke’s Point.
Isa rito ang lugar sa sito Pangatneban sa Barangay Ipilan na malapit sa paanan ng bundok pero sinikap ng MSWDO katuwang ang mga tauhan ng 1st PMFC, PCG at BFP na maabot upang maihatid ang relief goods.
Sa kabila ng hirap sa daan ay matagumpay na naihatid sa limampung (50) pamilya ang mga pagkain at iba pang kailangan ng mga apektado.
Kaugnay nito, agad rin pinuntahan ng rescue team ang Sabsaban sa Barangay Aribungos na may mahigit isang-daang pamilyang apektado ng kalamidad.
Sa ngayon ay patuloy ang pamamahagi ng relief goods sa mga isolated area sa Brookes Point.