Bicol, hindi pa bukas para sa mga foreign tourist- DOT Bicol

Legazpi City -Inihayag ng Department of Tourism (DOT) Bicol na hindi pa bukas ang rehiyon para sa mga dayuhang turista.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas, sa kanilang pagpupulong kasama ang CAAP, Bureau of Immigration, Bureau of Customs at ibang pang ahensya ay may mga problema pa rin sa paliparan na kailangang tugunan bago ito magsimulang tumanggap ng mga dayuhang turista.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Aniya, tutugunan nila ang mga pangangailangang ito upang kung sakaling magsimula ang operasyon nito at magkaroon ng mga international flights patungo sa rehiyon, magiging handa ang kanilang ahensya.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa kabilang banda, wala pang international flights papuntang Bicol kaya’t wala pang mga dayuhang turista na pumupunta sa rehiyon, aniya, kung magsisimula na ang operasyon ng paliparan, tatanggapin nila ang mga darating na turista.