Mga hindi residente ng Echague, makakapag-avail din ng libreng serbisyo ng Mengal Women Center

Maaari ring makakuha ng mga libreng serbisyo mula sa Mengal Women Center ang mga non-resident ng Echague, Isabela.

Sa panayam ng Brigada News Team sa Information Officer ng Echague na si Danielle Rebollos, nagsimula aniya ang Mengal Women Center bilang isang organisasyon kung saan nakita ni Liga ng mga Barangay National President Jessica Dy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang center na magpro-protekta sa mga kababaihan, at mga kabataan.

Dahil dito ay maaaring makapag-avail ng services ang sinomang may nais sa pamamagitan ng referral system.

Mayroon ding Psychological at Legal consultation na maaaring makuha ng libre kung saan kinakailangan lamang na mag-register online. Para sa mga legal services, tuwing Miyerkules lamang ang schedule nito mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon, habang araw-araw naman ang psychological consultation.

Sa kasalukuyan ay may mga residente na sa Mengal Women Center na kanilang prino-protektahan at tinutulungan hindi lamang sa kanilang pisikal na pangangailangan kundi maging sa kanilang mental, at spiritual.

Bukod sa mga ito, ang mga residente ay binibigyan din ng livelihood skills training upang ma-equip ang mga ito ng mga necessary skills na makatutulong sa kanila kapag sila’y maaari ng makabalik sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *