Rehabilitasyon ng Lalog Bridge, nakumpleto na

Nakumpleto na ng DPWH- Isabela 2nd District Engineering Office ang rehabilitasyon ng Lalog Bridge sa Luna, Isabela matapos mag-collapse nang manalasa ang Bagyong Paeng noong October 2022.

Ang isinagawang pagsasaayos at retrofitting ng 120 lineal meters at paglalagay ng solar lights ay pinondohan ng P38, 209, 976.96

Dahil dito, hindi na mahihirapan pa ang mga residente sa lugar sa kanilang transportasyon kung saan nang masira ang tulay ay gumagamit ang mga ito ng bangka upang makatawid sa ilog mula Luna papuntang Burgos at iba pang bayan.

Inanunsyo ni District Engineer Jose Tobias na ang Lalog Bridge ay maaari nang daanan ng mga motorista ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *