Isang miyembro ng SAF , sugatan sa engkwentro sa pagitan ng NPA sa Camarines Sur

Sugatan ang isang miyembro ng PNP- Special Action Force sa engkwentro na naganap sa pagitan ng New People’s Army sa Brgy Agao-ao, Ragay, Camarines Sur.

Sa ulat ni PNP SAF Director Police Major General Bernard Banac, nasapul ng bala sa kanyang kaliwang kamay ang SAF trooper na si PCpl Jayson Jalvez na agad nilapatan ng lunas.

Nangyari ang engkwentro nitong April 6.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok/ kung saan tinatayang 15 hinihinalang miyembro ng NPAang nakasagupa ng mga miyembro ng 5th Company ng PNP SAF at 9th Special Action Battalion.

Matapos ang engkwentro ,nakumpiska sa lugar ang isang cal.45 pistol, M16 magazines mga bala at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Nagpapatuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng SAF sa mga tumakas na rebelde.

Under control na rin ang sitwasyon pero nananatili aniya silang naka alerto sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *