Regular na pagpapatrolya sa upper barangays ng Naga, ipinagpapasalamat ng mga opisyal; mga tambay inihahatid pa sa bahay

NAGA CITY –Inihahatid pang kadalasan sa kanilang mga bahay ng mga pulis at mga naka duty barangay tanod at barangay opisyal ang mga nasisitang mga istambay sa gabi lalo na iyong mga menor de edad o kahit may edad na para matiyak na ligtas na makakauwi ang mga ito sa kani-kanilang pamilya.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Regular itong ginagawa ng mga otoridad bilang bahagi ng kanilang community services at isa sa Crime Prevention Program ng Naga City Police Office na ipinatutupad sa upper at malalayong barangay ng Naga City na siya namang ikinalulugod  ng mga opisyal sa barangay.

Kaugnay nito, nakapanayaman ng Brigada News FM Naga si Punong Barangay Domingo Ramos ng Panicuason na nasa upper barangay at nagpasalamat siya sa mga personahe ng Police Station 4 na nakakasakop sa kanilang lugar dahil sa ganitong aktibidad at programa.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Malaking tulong aniya ang ganitong hakbang ng mga pulis para sa katahimikan ng kanilang lugar,lalo na sa gabi.