Registration para sa mga examinees ng nakanselang March 2020 CSE- PPT nagpapatuloy

CAMARINES NORTE- Nagpapatuloy ngayon ang special registration ng mga examinees ng nakanselang March 2020 Career Service Examination, Pen and Paper Test CSE- PPT para  sa slot at makakuha ng kaparehong exam sa March 26, 2023.

Binuksan ng  Civil Service Commission ang special registration period noong Lunes, December 12 at magpapatuloy hanggang December 16 ng taong kasalukuyan para sa Professional at sub- professional.

Maa- access ng mga examinees ng nakanselang March 2020 examinations ang Civil Service Commission Regional Office V New Normal waitlist System o N- List sa pamamagitan ng website na ro5.csc.gov.ph

Batay sa anunsiyo ng CSC Region V ang special registration ay applicable sa mga nag- refund at unrefunded March 2020- examinees para sa kaparehong lebel ng exam na dati nang ini- apply.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kung mabibigong magpa rehistro online sa loob ng registration period ay nangangahulugan na mapo- forfeit ang slot.

Ang mga unrefunded naman ay maaaring mag- request ng refund simula sa Pebrero 1 2023 hanggang March 14 2025.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas, inanunsiyo nito na tatanggap ng karagdagang examinees para sa March 26, 2023 Career Service Examination- Pen and Paper test (CSE- PPT), Professional at Sub- Professional.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Taliwas ito sa naunang anunsiyo na tanging ang mga registered examinee lang sa nakanselang March 2020 CSE- PPT ang tatanggapin.

Magiging prioridad lang aniya na bibigyan ng slot ang mga examinee nang nakanselang March 2020 examinations.

Ayon kay Salinas nasa 1, 848 examinees mula sa Camarines Norte ang kanilang tatanggapin sa March 26, 2023 CSE- PPT kung saan 1, 699 sa Professional at 149 Sub- Professional.

Kasama na sa bilang ang karagdagang 273 examinees o 19. 11 percent mula sa general public.

Magsisimula naman ang registration period para sa qualified interested applicants sa Disyembre 19 hanggang 23 ng taong kasalukuyan.