CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Provincial Health Office ang bawat isa na panatiling malinis ang pangangatawan upang maiwasan ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HMFD).
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, bagamat pwede itong tumama sa kahit na anong edad pero ang madalas umanong nagkakasakit ng HMFD ay mga bata.
Madalas kasi na kung saan- saan humahawak ang mga bata kaya nakukuha ang virus.
Kaya naman paalala sa mga magulang na palaging siguradhin na malinis ang katawan at kamay ng kanilang mga anak upang maiwasan hindi lang ang HMFD kundi ang iba pang mga sakit.
Nilinaw naman ni Francisco na ang ipinalabas na ulat kamakailan ng DOH hinggil sa HMFD cases sa Camarines Norte ay matagal na.
Sa ngayon ay wala umanong aktibong kaso ng HMFD sa lalawigan dahil nangyari ito ay sa mga buwan ng Marso at Abril.
Una na ring sinabi ng Department of Health na na apat lamang ang mga naitalang kaso ng HMFD sa lalawigan at hindi na ito nadagdagan pa simula noong Abril.
Ang HFMD ay isang viral illness pero ang higit na tinamataan ay ang mga bata.
Nakukuha ito mula sa direct contact sa droplets na may virus mula sa infected na pasyente.
Ang kadalasan na ang sintomas nito ay lagnat, pananakit ng lalamunan, pagkawala ng ganang kumain, mga pantal sa kamay at palad, talampakan ng mga paa, at maselang bahagi ng katawan.
