Dalawang bagong recoveries sa COVID- 19 naitala sa Mercedes

CAMARINES NORTE- Wala na uling aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte pagkatapos ng magkakasunod na linggo na nakapagtala ng mga kaso.

Ito ay makaraang gumaling na sa sakit ang natitirang dalawang aktibong kaso batay sa ulat ng Municipal Health Office nitong Martes, Disyembre 13.

Dahil dito umabot na sa 184 ang bilang ng mga gumaling sa kabuuang 206 na naitalang kaso simula noong 2020.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Umabot naman sa 22 ang nasawi makaraang madagdagan kamakailan lang.

Sa 26 na barangay ng naturang bayan ang San Roque na may pinakamarming populasyon ang siyang may pinakamaraming kaso ng COVID- 19.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Simula noong 2020, 38 na ang naitalang kaso sa naturang barangay.

Ang Catandunganon at Cayucyucan naman ang may pinakakaunting kaso na mayroon lang isa.

Babae ang pinakamaraming tinamaan ng sakit sa naturang bayan sa age group na 21- 30.

Samantala, zero occupancy rate naman ang Mercedes Ligtas  COVID Center.