KORONADAL CITY- UMABOT na sa 975,541 ang mga registered voters sa lalawigan ng South Cotabato na inaaasahang boboto sa May 9, 2022 National and Local Elections.
Sa datos ng COMELEC South Cotabato, ito ay mas mataas ng 13% kumpara sa 860, 059 na mga botante noong 2019.
Napag-alaman na 553, 790 sa mga ito ay naitala sa first district na binubuo ng General Santos City- 360, 232; Polomolok- 116, 767; Tupi- 47,971; at Tampakan- 28, 820.
Nakapagtala naman ang second district ng 421, 751 registered voters.
Nangunguna ang Koronadal City sa may pinakamaraming botante sa segundo distrito na umabot sa 122, 724.
Ito ay sinusundan ng T’Boli na may 58,790; Surallah- 55,611; Banga- 54, 847; Lake Sebu- 45,933; Norala- 29,864; Tantangan- 28, 911; at Sto.Niño na may 25, 071 na mga botante.
Ang South Cotabato, kabilang ang General Santos City, ay mayroong 328 polling places at 1, 438 clustered precincts.
