Register Anywhere Project ng COMELEC gagawin muli sa Naga City; aktibidad gagawin na buwan-buwan

NAGA CITY- Aarangkada na ang voter’s registration ngayong araw, Pebrero 12 bilang paghahanda sa 2025 Midterm Elections, sa Nga City magbabalik ang Register Anywhere Project ng Commission on Elections  (COMELEC).

Ito ang kimunpirma sa Brigada News FM Naga ni COMELEC Officer Atty. Maico Julia Jr. Aniya ngayong darating na Pebrero 22 at 23 puwede magparehistro sa SM City Naga ang sinuman kahit na hindi residente ng Naga. Halimbawa  nag-aaral o nag tatrabaho sa lungsod at nais magparehistrong botante ng pinanggalingang probinsya.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique
Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Dadag nito, buwan-buwan na magkakaroon ng schedule at kung magiging matagumpay mapapalawak pa ang proyekto sa buong bansa. 2022 nang makasama ang Camarines Sur sa pilot ng RAP project at naging venue noong Disyembre 2022 at Enero 2023 ang Robinson’s Mall.