Regional Office ng Dept of Human Settlement and Urban Development, itatayo sa Koronadal

KORONADAL CITY — TULOY na tuloy na ang pagtatayo ng regional office ng Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD Region-12 sa lungsod ng Koronadal.

Ito’y matapos lumagda sa Usufruct Agreement ang city government at DHSUD Region-12 para sa 1,000 square meters na lote na ibinigay ng lungsod na pagtatayuan ng nabanggit na regional office.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang nasabing tanggapan ay itatayo sa likurang bahagi ng New City Hall Building ng Koronadal.

Pinasalamatan naman ni DHSUD Region 12 Director Jennifer Bretaña si Koronadal City Mayor Eliordo Ogena na hindi umano nagdalawang isip sa hiling ng mga ito na magkaroon ng lote na pagtatayuan ng kanilang opisina.

Samantala, naniniwala naman si Ogena na marami ang matutulungan ng nabanggit na tanggapan lalo na ang mga Koronadaleños na walang sarili o permanenteng tahanan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Magiging ‘kabit-bahay’ ng DHSUD-12 sa 7.5 hectares na city hall complex ang iba pang regional offices na itatayo din sa lugar kagaya na lamang ng Department of Foreign Affairs o DFA at Bureau of Fire Protection o BFP-Koronadal. Makikita din sa nasabing lugar ang itinatayong P20 million Koronadal City Gymnasium.