Region 2, muling nakapagtala ng 32 new delta variant cases

Muling nakapagtala ang Lambak ng Cagayan ng karagdagang 32 na kaso ng Delta Variant kung saan ang mga samples ay sinuri noong August 25-26, 2021.

Ito ay batay sa natanggap na datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) mula sa DOH Central Office.

Ang panibagong 32 na kaso ay mula sa apat na probinsya sa Region 2 at una rito ay nakapagtala ang Cagayan ng 10 local cases kung saan 7 ang naitala sa Tuguegarao City, isa sa Tuao at dalawa sa Allacapan.                                                              

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nasa 14 na local case at isang Returning Overseas Filipino Worker (ROF) naman ang naitala sa Isabela.

Mula sa nasabing bilang, 5 ang naitala sa Santiago City, tig-2 ang Aurora, Jones at San Mateo habang tig-isa naman ang City of Ilagan, Roxas, Tumauini at Alicia.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nakapagtala naman ng limang (5) local cases ang Nueva Vizcaya  habang dalawang (2) local case naman sa Quirino Province.

Sa ngayon ay tinatapos na lamang ng mga nagpositibo sa delta variant ang kanilang isolation period at naitalang fully recovered na.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng RESU sa pamamagitan ng kanilang Special Action Team (SAT) upang matukoy ang mga close contact ng mga nagpositibo.