Napupuno na rin ang intensive care units (ICU) ng mga ospitals sa Bangsamoro region, kung saan pumapalo na ito sa 81 percent occupancy rate.
Ayon sa head ng Bangsamoro’s Ministry of Health Dr. Amirel Usman, ang rehiyon ay mayroong 626 active infections o 6.1 percent mula sa kabuoang 10,143 COVID-19 cases,
Dagdag ni Usman, nagkakaroon na rin sila ng kakulangan sa hospital beds.
Sa katunayan, ang 17-bed ICU ng Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City ay fully occupied na, habang may 2 beds bawat ICUs sa Cotabato Sanitarium at sa Sulu Sanitarium.

Sa gitna nito, sinabi ni Health ministry chief na sapat pa naman ang suplay ng oxygen at ang Bangsamoro Transition Authority ay nagpasa ng panukala na naglalaan ng P50 million para sa pagbili ng mas marami pang suplay. // MHEL PACIA-TRINIDAD