PNP: 117k naitatalang violators sa NCR sa ilalim ng MECQ

Pumapalo sa 117,000 violators ang naitatala ng National Capital Region, simula nang magsimula ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar, may average na 13,000 violators ang naitala bawat araw.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Sinabi ni Eleazar na 61% ng mga lumabag ay binalaan lang, 33% ang pinagmulta o binigyan ng violation tickets; habang 5% ang dinala sa police stations dahil sa ibang offenses.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Kabilang umano sa mga violations ay ang KTV bars at resto bars na nag-ooperate ng lampas na sa curfew, at ang mga customers na nahuhuling nagda-dine in sa naturang mga establisyemento.

Ang NCR ay mananatili sa ilalim ng MECQ hanggang sa September 7. //MHEL PACIA-TRINIDAD