Region 12, rank 3 sa enrollment sa buong Pilipinas

KORONADAL CITY- NASA ikatlong pwesto ang Department of Education (DepEd) Region 12 sa enrolment rate sa buong bansa.

Ayon kay DepEd 12 regional director Carlito Rocafort na batay sa pinakahuling datos, nakapagtala ang rehiyon 12 ng 1,116,983 enrolees sa school year 2021-2022 o 98.30% ng baseline enrollment na 1,136,382 noong nakaraang school year.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kumpiyansa naman si Rocafort na maaabot ng mga ito ang naiwang 19,399 na mga learners o 1.71% dahil sa nagpapatuloy na enrollment na magtatapos sa September 30.

Samantala, nangunguna naman sa mga napiling learning modalities ng mga estudyante ang modular print na nasa 91% o 1,088,296 na mga mag-aaral mula elementary hanggang senior highschool; 5% o 60,685 ang blended learning; 3% ang modular online; habang 2% naman ang tv or radio based instruction at homeschooling.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop