Pres. Duterte, nangako ng MRI machine sa bagong Sul.Kud prov’l hospital

KORONADAL CITY — KASABAY ng pagbubukas ng bagong Sultan Kudarat Provincial Hospital, isang magnetic resonance imaging o MRI machine ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nabanggit na pagamutan.

Noong nakaraang linggo, inagurahan na ang nabanggit na pagamutan na may lawak na 33, 740 square meters. Apat na palapag ito na may 399 beds, may apat na operating rooms, may walong bed medical intensive care unit at 15 na mga bed neonatal intensive care unit.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university
Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Pinasiguro naman ni Pangulong Duterte na maibibigay ang nasabing equipment sa ospital bago matapos ang kanyang termino.

Nagkakahalaga umano ng P100 million ang isang MRI machine.