Region 12, nakapagtala ng 13 cases ng leptospirosis

KORONADAL CITY – PINAG-IINGAT ng Department of Health o DOH Region 12 ang publiko laban sa leptospirosis lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Ayon Dr. Charmaine Pearl Cedeño, Medical Officer III ng DOH 12 na ang leptospirosis ay nakukuha sa pamamagitan ng direct contact sa tubig na kontaminado ng mikrobyo mula sa ihi ng mga hayop katulad ng daga.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Laganap ang naturang sakit tuwing tag-ulan at sa mga lugar na madalas binabaha lalo’t humahalo sa tubig-baha ang ihi ng mga daga.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Sa datos ng DOH ngayong taon, nakapagtala na ang rehiyon 12 ng 13 kaso ng leptospirosis kung saan 7 cases ang narecord sa Cotabato province, 3 sa General Santos City, at tig isa sa Saranggani, South Cotabato at Sultan Kudarat.