KORONADAL CITY- INILABAS na ng LGU TBoli ang Schedule of Activities para sa Seslong Festival 2023 na magsisimula sa March 5 hanggang March 16.
Kabilang sa mga aabangan at naglalakihang aktibidad ang Battle of the Bands, Motocross, Mindanao Wide Hiphop Competition, Pop Solo Competition, Mountain Ultra Marathon, Race to Lake Holon, Miss TBoli Pageant, Seslong Festival Grand Parade, at Street Dancing: The Grand Showdown.
May mga aktibidad din na inihanda ang LGU para sa iba’t ibang sektor katulad ng LGBTQIAP+ Day, Senior Citizens Day, PWD Day, IP Day celebration, Farmers’ Day, Women’s Day at Children’s Day celebration.
Bahagi din ng kapistahan ang muling pagbubukas ng Lake Holon sa pamamagitan ng Pilgrimage to Holon sa March 11. Matatandaan na pansamantalang ipinasara ang Lake Holon simula noong January 7, 2023 upang makapagpahinga sa mga turista.
