Rez Cortez, cancer-free na

Cancer-free na ang beteranong aktor na si Rez Cortez base sa Instagram post ng anak nito na si Cai Cortez.

Inihayag ng aktres sa isang maikling clip, “Thank you so much sa lahat ng nagdasal at nagtanong kung kamusta si Daddy. I am so happy to announce that Daddy is cancer-free,”

Kasunod nito ay lumabas sa video ni Cai si Rez  kung saan ay sinabi nito “praise the Lord.”

Mababatid na sumailalim ang aktor sa surgery noong September 1 dahil sa hinihinalang liver cancer.

Kilala si Rez sa mga kontrabida roles nito sa mga action movies.

Isa rin siya sa mga naging sidekicks noon ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. sa maraming pelikula.