Arestado ang gunman na nakapatay ng anim na tao sa isang university campus sa central Russia.
Sinabi ng mga imbestigador na ito na ang ikalawang mass shooting na naganap sa naturang bansa ngayong taon kung saan ay naging target ang mga estudyante.
Sa isang video sa social media ay makikita ang mga estudyante na ibinabato ang kanilang mga kagamitan mula sa mga bintana ng unibersidad sa lungsod ng Perm, bago ang kanilang patalon para takasan ang gunman.
Base sa mga inisyal na ulat ay sumailalim sa gamutan ang 28 tao matapos ang pag-atake sa Perm State National Research University, kabilang na ang 19 na sugatan mula sa pamamaril.

Tinukoy naman ng mga otoridad ang gunman bilang estudyante sa unibersidad, na gumamit ng isang hunting rifle na kaniyang nabili nitong taon lamang.
Makikita naman sa amateur footage na kinuha sa gitna ng pag-atake ang isang lalaki na may suot na itim na tactical gears kabilang na ang isang helmet, may bitbit na armas at naglalakad sa campus.
Dahil naman sa panlalaban ay napuruhan ang suspek, at sa ngayon ay ginagamot na ito sa isang medical facility.