Red alert status, ibinandera sa Camarines Sur bago pa ang pagpasok sa PAR Bagyong Odette

NAGA CITY- Nakaalerto na ang mga alkalde, Municipal Risk Reduction and Management Officers, Barangay Officials at iba pang katuwang na ahensya bago pa man pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang Bagyong Odette.

Ito ay matapos na magpalabas ng memorandum order si Governor Migz Villafuerte kasabay ng ilang araw na pag-ulan dulot ng shear line. Nakasad dito ang ang pag activate ng 24/7 Emergency Operations Center , pagbibigay advisories sa mga LDRRMs pagpapatupad ng “no sailing policy” at iba pang pag-iingat sa epekto ng sama ng panahon.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kahapon, hindi nadaanan ng maliliit na sasakyan ang Sta. Elena Spillway (waras) sa Nabua.  Nito naming nagdaang weekend binaha ang Barangay Sumaoy, Garchitorena umabot sa ilang kabahayan ang tubig na pinaghalong ulan at dagat dahil sa hightide.

Ilang araw na ring maalon ayon kay MDRRM Officer Janette Bombase kung kayat mas lalong nagiging alerto upang maiwasan ang nangyari bago ang pagsalubong ng 2021 na may nalunod na bangka na lulan ang mga mangingisda na kinuha ang kanilang mga huli na order panghanda.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Bukod rito ibinahagi pa sa BNFM Naga ni Bombase na inabisuhan na rin nito ang mga Barangay DRRMS sa mga landslide prone areas.  Base na rin sa umiiral na Red Alert Status. Malabot na aniya ang lupa dahil sa ilang araw na pagbulos ng ulan. Delikado kung madaragdagan pa kung maapektuhan ng Bagyong Odette.