Binuksan na ng Bureau of Quarantine and satellite office nito sa Subic Bay Freeport Zone.
Ito ay matatagpuan sa Ayala Mall bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga nangangailangan ng International Certificate of Vaccinations o yellow cards.
Ang Subic Bay satellite office ay kauna-unahan sa Central Luzon at ikaapat naman sa buong bansa.
Ang SBFZ ay nagsisilbi ring entry at departure point para sa crew change at repatriation ng mga Overseas Filipino Workers.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SBMA Media Production
