Recent harassment ng China sa WPS – ‘di pa raw maituturing na armed attack

Nag-convene sa ikalawang pagkakataon ang National Maritime Council kung saan nagsumite ito ng policy recommendation kay Pangulong Bongbong Marcos.

Kaugnay pa rin ito ng mga insidente sa West Philippine Sea.

Sa press briefing ngayong hapon, kabilang sa isinumiteng policy recommendation ay ang tuloy-tuloy na pagsasagawa ng RoRe mission.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Samantala, sinabi naman ni Presidential Asst. Adviser on Maritime Concerns Andres Centino na hindi pa nila natalakay sa meeting ang posibilidad ng pagi-invoke sa mutual defense treaty (MDT) kasama ang Amerika.

Kasunod ito ng pagkaputol ng dailiri ng isang sundalo nang dahil sa China.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Maaalalang otomatikong mai-invoke ang MDT sa oras na mayroon nang ‘armed attack’.

Sinabi pa ni Executive Secretary Lucas Bersamin na posibleng ‘accident’ daw ang nangyari, kaya ‘di pa nila ito nakikitang isang armadong pag-atake.

Aniya – bukas pa rin daw umano silang makipag-usap sa China.