Isinagawang medical evacuation sa mga sugatang sundalo sa Ayungin, umabot ng 12 oras – PCG

Umabot ng 12 oras ang isinagawang medical evacuation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nasugatang sundalo sa pinakahuling rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa kabila kasi ng kanilang coordinating efforts sa China, nakaranas ng dangerous manuevers at harassment ang 2 barko ng PCG mula sa China Coast Guard.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bukod sa CCG naranasan din ng barko ng PCG ang harassment mula sa Houbei class missile boats ng People’s Liberation Army Navy vessels.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ito raw ang nagpahirap para sa PCG na ma-retrieve ang mga sundalo

Bukod sa mga sugatang sundalo ay isinagawa rin ng PCG ang pag-retrieved sa mga rigid hull inflatable boat na binutas ng CCG.