Ready to Lay Eggs Duck Livestock Project, umarangkada na; 4 na bayan sa Sorsogon nababaan ng proyekto

SORSOGON CITY- Kinumpirma ng Department of Agriculture Special Area for Agricultural Development o DA SAAD na 4 na bayan mula sa lalawigan ng Sorsogon ang una nang nababaan ng proyektong Ready to Lag Eggs Duck Livestock Project mula sa national government.

Kabilang sa mga nasabing bayan ay ang Donsol, Juban, Matnog at Magallanes, kung saan umabot sa 1,600 ready to lay eggs na mga itik ang natanggap ng mga ito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nagpahayag naman ng kagalakan si DA SAAD Provincial Coordinator Mary Rose Detera, dahil agad naman umanong nakita ng mga magsasaka ang pakinabang sa proyekto matapos mangitlog ang mga inahing itik kung saan umaabot sa higit 6 na tray ng itlog ang kanilang nahaharvest  araw- araw.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay nito, umaasa ang ahensya na magpapatuloy ang interes at tiyaga na ipinapakita ng bawat miyembro ng asosasyon hanggang makamit nito ang pagigingg enterprise association sa Sorsogon.