Operasyon ng LRT-1, suspendido sa tatlong weekend ng Agosto

Abiso sa mga komyuter.

Inanunsyo ngayong araw ng LRT-1 private operator na Light Rail Manila Corporation na pansamantalang sususpendihin ng tatlong weekend ng Agosto ang operasyon ng LRT-1.

Ito ay upang mapabilis ang paghahanda para sa target na pagbubukas ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension sa Quarter 4 ng taon.

Ang pansamantalang pagsususpinde ay ipapatupad sa August 17-18, August 24-25, at August 31 hanggang September 1 dahil dito walang operasyon simula Fernando Poe Jr. Station hanggang Baclaran Station.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Pinapayuhan naman ang mga commuter na planuhin ang kanilang mga biyahe nang naaayon at gumamit ng mga alternatibong opsyon sa transportasyon tulad ng mga bus, EDSA Carousel, at mga jeepney.

LIBRENG SAKAY

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Naghanda na ang LTFRB ng 38 mga bus para maghatid ng mga pasaherong maapektuhan ng suspensyon ng operasyon ng LRT-1.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz handa sila na magdadagdag ng mas marami pang bus kung kinakailangan.

Samantala, humihingi naman ng kooperasyon at pang-unawa sa publiko ang LRMC habang isinasagawa ang mga naturang hakbang para sa ikabubuti ng karanasan ng mga komyuter.