Tina-target ngayon ni Senadora Cynthia Villar na mapasama sa House of Representatives.
Kanina ay naghain na siya ng certificate of candidacy upang makatakbo para sa maging kinatawan ng Las Piñas City.
Kasama niya sa pagfa-file ng COC ang kanyang asawa na si dating Senate President Manny Villar, at ang kanilang mga anak na sina Senator Mark Villar, at outgoing Las Piñas Representative at senatorial aspirant Camille Villar.
Sa interview matapos ang paghahain ng kanyang kandidatura, sinabi ng senadora na pinili niyang tumakbo sa Kamara upang maipagpatuloy niya ang kanyang adbokasiya sa agrikultura at kalikasan.