RBH7 – aprubado na ng House Committee of the Whole

Aprubado na sa Committee of the Whole ang Resolution of Both Houses Number 7 o ang isinusulong na economic Charter Change o Cha-Cha.

Pumasa ngayong araw ang RBH Number 7 makalipas ang ilang oras na deliberasyon kung saan kabilang sa tumutol ang mga miyembro ng Makabayan Bloc.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ayon kay House Deputy Majority Leader Neptali Gonzales II, kailangan pang i-adopt ang committee report nito, bago idiretso sa plenaryo ng Kamara para sa second reading.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Sa pagtaya ni Gonzales, aabot ito ng tatlong araw o mula March 11, 12 at 13.

Pero inaasahang mabilis naman ito dahil ang interpelasyon ay sa pagitan na lamang ng mga kongresista na magsisilbing interpellators at sponsor.