Ipinunto ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla na hindi epektibo ang nakalagay na term limits sa kasalukuyang Konstitusyon upang labanan ang paglaganap ng political dynasties.
Pagpapaliwanag ni Padilla, matapos kase ang term-enders ng mga politiko ay malaya naman silang makatakbo sa ibang opisina o di kaya magpapalit sa isang kamag-anak.
Kasunod nito, idiin ng senador na nararapat lang na magkaroon ng pag-amyenda sa Sec. 26, Article 2 ng Konstitusyon upang mabigyan ng pantay na karapatan ang lahat na makapagserbisyo sa publiko at maiwasan ang political dynasty.
Lumalabas din kase sa survey ng Kontra Daya na pitumpung porsyente sa mga party list candidates ang konektado sa political dynasties nitong 2022.
Dahil dito, naipasa na ang isinumiteng Resolution of Both Houses No. 9 ni Padilla sa komite ni Senadora Imee Marcos na Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.
Sa nasabing RBH9, ipinagbabawal ang pagtakbo sa parehong posisyon o national elective position ng mga kamag-anak ng presidente, bise presidente, senador at maging party list representatives.