Sen. Go, pinaalalahan ang PNP na maging non-partisan sa paggampan sa kanilang tungkulin

Tiniyak ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na patuloy lang siya sa pagseserbisyo sa bawat mamamayang Pilipino sa kabila man ng pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng police security.

Ito ang kanyang naging pahayag matapos niyang isiwalat na inalisan din siya ng security details ng Philippine National Police (PNP) bago pa man alisan ng seguridad si Vice President Sara Duterte.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Iginiit naman ng PNP na naibalik na nila ang security police nito matapos ang naging refresher training.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Ngunit sa kabila ng mga ito, sinabi ni Go na suportado niya pa rin ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga uniformed personnel tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at PNP na siyang nagsasakripisyo para protektahan ang mga Pilipino.