Baton Rouge, Louisiana— Napa OH MY GOD!! ang real estate agent na si Darren James mula sa Baton Rouge, Louisiana matapos na makita ang laman ng kanyang bank account.
Laking gulat niya kasi at ng kanyang asawa nang makitang umabot sa $50-Billion o katumbas ng P2.5 Trillion ang laman ng kanilang account sa Chase Bank.
Ayon kay James, labis niyang ikinabigla ang pangyayari at nagtaka kung papaanong nagkaroon sila ng ganoon kalaking halagang ng pera. Biro niya pa, naisip niya na baka mayroon siyang mayamang kamag-anak na nag transfer sakanya nito dahil iyon rin ang unang beses na nakakita siya ng ganun karaming zeros.
Dahil dito, minabuti ni James na tumawag sa pamunuan ng bangko dahil alam niyang malaki ang posibilidad na ito ay resulta ng system error.
Makalipas ang ilang araw ay naitama na ng bangko ang balanse ng kanyang bank account at inamin naman ng tagapagsalita ng Chase Bank na nagkaroon ng technical glitch ang kanilang sistema.
Ayon pa kay James, alam niyang hindi sakanila ang pera kaya kahit kailan ay hindi sumagi sakanyang pag-iisip na i-withdraw at gastahin ito. Hindi niya aniya ito pinaghirapan kaya’t wala siyang karapatang gastusin ito.### JUMEL DELA ROSA