13 indibidwal kabilang ang tatlong sanggol, nagpositibo sa Covid-19 sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Umabot na sa 59 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na makapagtala ng 13 bagong kaso kahapon, Agosto 19.

Sa datos na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon, tatlo sa mga ito ay pawang mga sanggol na kinabibilangan ng 1- taong gulang na babae mula sa Barangay Bagsangan sa bayan ng Irosin, 1- taong gulang na sanggol na lalaki naman mula sa Barangay Zone 4 bayan ng Bulan at 2 taong gulang na sanggol na lalaki mula sa Barangay Gerona bayan ng Bulan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nakapagtala naman ng 7 recoveries ang lalawigan habang 24 indibidwal naman ang nagnegatibo sa swab test.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Patuloy ang paalala ng PHO sa publiko pagdating sa pag- iingat na mahawaan ng sakit lalo na at balik eskwela na sa Lunes kung saan nanatili paring malaking banta para sa mga estudyante ang hawaan ng naturang sakit lalo na sa mga hindi pa natuturukan ng bakuna kontra Covid-19.