Naaresto ng Pto Diaz at Castilla PNP ang kani-kanilang most wanted person n aparehong may kinakaharap na kasong pambabastos at kalaswaan.
Unang naaresto sa bayan ng Pto Diaz si Modesto Martinez Deuna, 48-anyos, binata, magsasaka at naninirahan s aBrgy San Juan ng nasabing bayan. Itinuturing itong No. 3 most wanted person ng nasabing himpilan ng Pulisya.
Nahaharap ito sa kasong Acts of Lasciviousness na may relasyonsa RA 7610 o child abuse.
Ang warrant of arrest ay ibinaba ng RTC Br 54, Gubat, Sorsogon at may itinakdang piyansa na P180K.
Sabayan naman ng Castilla ay hinainan ng kanyang warrant of arrest sa kaparehong kaso si Zaldy Abejuro Mendoza, 34-anyos, may kinakasama, mangingisda at residente ng nasabing barangay.
Naaresto ito sa pamamagitan ng Manhunt Charlie dahil sa warrant of arrest na ibinaba ng Family Court Br 12, Sorsogon City na may inirekomendang piyansa na P108K.
Si Mendoza ay itinuturing na No. 5 most wanted person ng Castilla MPS.
