LEGAZPI CITY – Nahuli na ng mga awtoridad ang Rank No.1 Municipal Most Wanted Person ng Oas Albay sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan dahil dalawang kasong Rape at Child Abuse.
Kinilala ang akusado na si Alyas “Jojo” 54 anyos residente ng Sitio Imacoto, Brgy. Cagmanaba, Oas, Albay at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan.
Ayon sa report, matagal ng pinaghahanap ng mga awtoridad si Jojo hanggang sa matagpuan ito sa nabanggit na barangay. Pinangunahan ng San Ildefonso mps kasabay ang Oas mps at 3rd Maneuver Platoon, 2nd Bulacan PMFC upang silbihan ng warrant of arrest na pirmado noong Pebrero 14 2010 dahil sa dalawang kasong Rape.
Mayroong inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na aabot sa P200K sa kasong Child Abuse. Sa ngayon ay pansamantalang nasa kostudiya ng San Ildefonso mps habang inihahanda muna ang mga dokumento para sa paglilipat nito sa Oas mps para sa kaukulang disposisyon.