Barangay Sua sa bayan ng Matnog, unang destinasyon ng sea ambulance

SORSOGON CITY – Magiging unang destinasyon ngayong araw, ng sea ambulance ang Brgy Sua sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng Asst Head ng SPDRRMO na si Pierre Dellosa, sinabi nito na magagamit na ang bagong asset ng Pamahalaang Panlalawigan na sea ambulance.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Aniya, magiging lulan nito ang 11 personahe papuntang Brgy Sua para magsagawa ng pagbabakuna.

Ang sea ambulance ay kumpleto sa kagamitang medikal para sa pangangailangan at emerhensiya sa mga coastal barangay ng lalawigan.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Magsisilbi din itong karagdagang reinforcement para makamit ng lalawigan ang target nitong mahigit 50K na mamamayan na mabakunahan.

Ayon sa 2020 Census, ang Brgy Sua ay may populasyon na 1,364. Ito ay kumakatawan sa 3.25% ng kabuuang populasyon ng Matnog.

PHOTO: SPIO