Pila ng mga magpapabakuna vs COVID- 19 mahaba pa rin sa ikatlong araw ng pambansang bakunahan, pero isang vaccination site sa Camarines Norte maluwag na

CAMARINES NORTE- Madaling araw pa lamang kanina ay mahaba na ang pila ng mga magpapabakuna kontra COVID- 19 sa iba’t- ibang vaccination site sa lalawigan ng Camarines Norte sa ikatlong araw ng pambansang bakunahan

Tulad na lamang sa Central Plaza Mall na hindi pa halos sumisikat ang araw ay napakahaba na ng pila gayundin sa SM City Daet.

Marami ang handang magtiis at maghintay para lamang mabakunahan at bilang pagtugon sa panawagan ng gobyerno.

Dismayado naman ang ilang mga nakapila simula pa kaninang madaling araw matapos na inanunsiyo ng LGU Daet na ang mga nabakunahan lang noong November 2 sa Gregorio Pimentel Elementary School ang kanilang i- aacommodate ngayong araw para sa second dose.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Pero iba naman ang sitwasyon sa Basud Sports Complex na isa rin sa malaking vaccination site na dinagsa ng maraming tao noong Lunes.

Kaninang umaga ay wala nang pila sa labas at lahat ng magpapabakuna ay nasa loob na at maayos na nakaupo at naghihintay.

Wala kasing mga nakapilang kabilang sa pediatric population makaraang kapusin ng suplay ng bakunag Pfizer sa unang araw pa lang ng bakunahan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga binabakunahan ay ang mga 18 anyos pataas.

Maliban sa Basud Sports Complex ay nagdagdag rin ng ilang vaccination site ang LGU sa ilang barangay para sa pambansang bakunahan.

Batay sa datos ng Provincial Health Office nasa 26, 500 ang  inisyal na bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan.

Sa unang araw ay nasa 14, 611 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan habang ang partial na bilang para sa ikalawang araw ay 11, 889.

Target ng probinsiya na makapagbakuna ng 41, 000 katao sa loob ng tatlong araw na bakunahan.