Rambol ng mga varsity basketball players mula sa dalawang unibersidad sa Cebu, nag-viral

CEBU CITY – Viral ngayon sa social media ang naganap na suntukan ng mga varsity players mula sa dalawang mga malaking University dito sa Cebu matapos ang kanilang laro sa bayan ng Moalboal.

Base sa mga video na kumalat sa social media, ang naturang rumble ay kinabibilangan ng mga basketball players ng Cebu Institute of Technology-University (CIT-U) at ng University of Cebu (UC) Webmasters.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa eksklusibong panayam ng Brigada Newsm FM Cebu kay Mike Limpag, ang Public Information Officer ng Moalboal Local Government Unit na basi sa natanggap nilang spot report, pasimuno umano ng kaguluhan ang ama at kapatid ng isang University of Cebu player kung saan naganap ito pagkatapos ng laro ng dalawang team Linggo ng gabi April 23, 2023.

Ang naturang laro, ay bahagi ng nagpapatuloy na 1st Mayor Inocentes Cabaron Inter-Collegiate Invitational Basketball Tournament sa bayan ng Moalboal Cebu.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Napag-alaman na nakatakdang mag-celebarte ng kanilang fiesta ang lungsod sa buwan ng Mayo, kaya nakipag-ugnayan ito sa Cebu Schools Athletic Foundation Inc. o CESAFI para sa naturang Basketball Tournament kung saan aabot sa P200,000 ang premyo ng magwaging basketball team.

Patuloy ngayon ang isinagawang imbestigasyon ng CESAFI ukol sa nangyari upang malaman kung nararapat pang bigyan ng sanction ang mga players na na-uugnay sa kaguluhan ngunit sinabi naman ni Limpag na magpapatuloy ang mga laro. (BNFM CEBU)