PNP, naghanda ng libreng-sakay sa mga pasahero sa araw ng SONA

Nagkaroon ng koordinasyon ang Philippine National Police (PNP), Land Transpotation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maglunsad ng libreng sakay sa mga pasaherong apektado ng tigil-pasada dahil sa SONA sa Lunes.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, handa silang gamitin ang kanilang available mobility asset upang tumulong sa mga pasaherong posibleng mastranded.

Kung maaalala ay ikakasa ang simula ng transport strike ng grupong MANIBELA sa mismong araw ng SONA.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Samantala, pinaalalahan ni Fajardo ang mga makikilahok sa transport strike na huwag nang pumilit pa ng iba pang tsuper na hindi naman sasama sa naturang strike.